Ito na ang ikalawang beses na biglang nawala ang Facebook page ng tinaguriang “Pambansang Marites”. Bago muling mawala, nakapag-post pa si Xian Gaza tungkol sa deactivation ng kaniyang social media account.

“Kapag ginamit mo yung koneksyon mo para ipa-disable yung account ng isang tao illegally without any grounds for violation, ibig sabihin totoo lahat ng sinabi niya sayo kaya kailangan mo siyang patahimikin,” saad ni Gaza na animo’y pinatutungkulan ang anak ni Albee Benitez na si Javi.

Bago ito, tinag ni Javi Benitez ang pangalan ni Xian Gaza sa kaniyang Facebook page, matapos mag-live ang online personality hinggil sa isyung kinasasangkutan ng kaniyang mga magulang.

Si Javi ay anak ni Congressman Albee Benitez na naging laman ng kontrobersiya kamakailan matapos isiwalat ng dating asawa nito na “kabit” ng kongresista ang sexy star na si Ivana Alawi.